👤

ano ang ibig sabihin ng sanaysay?​

Sagot :

Answer:

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayari

Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na tinatalakay ang isang pangyayariupang maibigay o mailahad ang kaukulang paliwanag sa ikalilinaw ng paksang pinag-uusapan. Ang akdang ito ay maaring maikli o mahaba. Iniayos na lamang ang inihayag na kuru-kuro o opinyon, damdamin at saloobin, pag-unawa sa kaisipan at sa pananaw ng manunulat.

Dalawang uri ang pagsulat ng Sanaysay

Pormal na sanaysay – ito ang sanaysay na nabubuo sa tulong ng isinasagawang pananaliksik ng manunulat. Ginagawa ang pananaliksikupang lalong mabigyan ng bigat o lalim ang kanyang tinatalakay para sa lubusang ikagaganda ng sanaysay.

Di-pormal na Sanaysay – ito ay paglalahad na di nangangahulugan ng gawaing pananaliksik bago mailahad ang kaisipan. Kaswal ika nga ang paglalahad na animo’y nakikipag-usap lamang, simple ang pananalitang gamit na maaari pang singitan ng mga balbal na pananalita. Mapagpatawa minsan ang paglalahad ngunit tulad ng pormal na sanaysay may diwang ipinahahayag. Sa uring ito, sariling talino ng manunulat ang umiiral sa buong sanaysay.