Subukin Natin! Panuto: Sagutin ng Tama ang bawat patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto at Mali naman kung hindi.
__________1. Ang abonong organiko ay gawa sa mga pinabulok na mga patapong bagay tulad ng pinagbalatan ng mga gulay at prutas, pinagtabasan ng mga damo at dahon, dumi ng hayop at lahat ng mga bagay na nabubulok. __________2. Maaaring isama sa paggawa ng abonong organiko ang basag na salamin at mga plastic. __________3. Maaaring makatulong ang paggawa ng organikong abono sa pamilya. __________4. Ang compost pit ay maaaring isagawa sa rooftop ng bahay. __________5. Mas mainam isagawa ang basket composting sa mga lugar na may maliit na espasyo o sa urban area.