👤

1. Magtala ng tatlong bagay na iyong iniingatan o pinahahalagahan?
2. Bakit ito mahalaga sa iyo?
3. Paano mo iniingatan ang mga bagay na napili mo?
4. Paano iinigatan ang mga likhang sining​


Sagot :

Tatlong bagay na iniingatan o kaya pinahahalagahan ko sa aking buhay:

  • Kahit anong mga regalong binigay sa akin
  • Damit
  • Alahas

Bakit ito ay mahalaga sa akin?

Mahalaga sa akin ang mga bagay na binigay ng iba lalo na ng aking mga magulang dahil pinakikita nito na mula sa puso ang pagbibigay sa akin. Naaalala ko sa mga regalo nila ang nakaraan na nagbibigay saya sa buhay ko. Isa pa, iniingatan ko ang mga damit dahil maaari ko pa itong magamit sa ibang mga kalagayan o kaya naman maidonate ko sa mga nangangailangan nito. Gayundin, para sa akin masasabi ko na importante ang mga alahas na binigay sa akin dahil maituturing ko itong investment at magamit ito sa panahon na kailangan ko ng pera sa hinaharap o kaya maipamana ko sa iba.

Paano ko iniingatan mismo ang mga bagay na binanggit ko sa itaas?

Naglalaan ako ng taguan para sa mga ito ng maayos at organisadong paraan. Nililinis ko ito lagi para maiwasan ang mga alikabok. Hindi ko hinahayaan na magulo ang mga ito.

Paano iniingatan ang mga likhang sining?

Maaari itong alagaan rin sa paraan ng ginagawa sa mga bagay na mahalaga mismo sa ating buhay. Hindi dapat ito madudumihan o masira ng iba pero maaari itong ipakita sa ibang mga tao. Kasabay nito, maaaring linisin ito at mantinihin mabuti para maiwasan na magabukan ito at tuluyang hindi na mapakinabangan.

Nararapat lamang natin na ipagmalaki ang mga sining na nilikha natin. Tutulong ito na mapaunlad sa ganitong larangan at malaman rin ng iba ang tungkol dito. Pahalagahan at ingatan ang mga ito.

Nais mo pa ba makatingin ng ibang punto? Bumisita pa sa link na ito para sa higit na detalye para makapagbasa ng may kaugnayan mismo sa paksa:

Ilan pa sa mga bagay na maaaring pahalagahan ng isa: brainly.ph/question/1982746

Ilan sa mga halimbawang likhang sining sa ating bansang Pilipinas: brainly.ph/question/1685788

Ang kahulugan ng mga salitang sining na pang-industriya: brainly.ph/question/128480

#BrainlyEveryday