Sagot :
Ang matatalinghagang salita ay mayroong malalim na pagpapakahulugan na naglalayon ng pagpapatalas ng isip at pagbibigay ng malalim na emosyon ng mga mambabasa.Ito ay madalas na ginagamit sa mga sulatin na kagaya ng tula, kwento, at sulating kapupulutan ng aral.
Mga Halimbawa ng Matatalinghagang Salita at Gamit sa Pangngusap
Ningas-kugon, ito ay tumutukoy sa ugali ng tao na magaling lamang sa umpisa.
Ang batang si Jose ay ningas-kugon kung mag-aral at sa kalaunan ay madalas ng liban sa klase.
Hawak sa ilong, tumutukoy sa tao o hayop na sundodsunuran
Si Berto ay hawak sa ilong ng kanyang asawa sapagkat kahit anong iutos nito ay agad nitong ginagawa.
Kisap mata, naglalarawan sa mablis o biglang nawala
Ang sweldo ni Lita ay isang kisap mata lamang ng ito ay ubusin ng kanyang asawang manginginom.
Humahalik sa yapak, tumutukoy sa taong hinahangaan o iniidulo
Marami ang humahalik sa yapak sa mang-aawit na si Regine Velasquez dahil sa mga narating nito.
Kumukulo ang tiyan, ito ay nangangahulugan ng nagugutom
Kumukulo ang tiyan ni Lisa ng pumasok sa paaralan kaya hindi siya makaunawa sa klase.
Ahas-bahay ito ay tumutukoy sa masamang kasambahay
Pinagsisihan ng mag-asawa na kinuha nila ang ahas-bahay na si Lolita sapagkat nawala lahat ang alahas na kanilang pag-aari.
Basa ang papel tumutukoy sa karakter na hindi maganda o masamang imahe
Basa ang papel ni Julia mula sa dati nitong trabaho kaya nahihirapan itong makahanap ng bagong trabaho.
Di makabasag pinggan tumutukoy sa kilos na mahinhin
Ang mga anak na babae ni Lorna ay di makabasag pinggan kaya iginagalang ng mga kalalakihan.
Magtungo sa link na nasa ibaba para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga matatalinghagang salita
brainly.ph/question/1338303
brainly.ph/question/613323
brainly.ph/question/29508
#LearnWithBrainly
Kabiyak ng puso
Kahulugan: Ito ay nangangahulugang sinisinta, asawa, o sinumang minamahal na nais pakasalan.
Sinasabing kabiyak ng puso ang isang minamahal dahil magkasama na sila sa mga desisyon sa buhay at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.
Kahalagahan: Nakikita ang halaga ng matalinhagang salitang ito bilang salita na ginagamit sa mga tula, sanaysay, o iba pang sulatin na tumutukoy sa damdamin.
Sinasabi rin nito ang tunay na anyo ng pagmamahal ay nakikita sa itinitibok ng puso at maaaring magkaroon ng maganda at maayos na koneskisyon sa isa’t isa.