Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Bigkasin ng may wastong tono,diin at hinto ang tula na "Ang Pamana" ni Jose Corazon de Jesus. Isang araw, ang ina ko'y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan, Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko'y tila bagay nalulumbay At ang sabi "itong piyano sa iyo ko ibibigay Ang kubyertos nating pilak ay kay itang maiiwan Mga silya't aparador kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman Magkaroon ng pagsusuri sa ginawang pagbigkas. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1.Sino ang nagsasalita sa tula? 2. Ano ang kahulugan ng pag-ibig ng ina sa anak, ng anak sa ina) sa binasang tula?ipaliwanag 3.Paano nakatutulong ang kaalaman sa ponemang suprasegmental sa pagbasa o pagbigkas ng tula? Pakikipagpalihan rin ang ginamit na tono