Sagot :
Ang pang-abay o adverb sa wikang Ingles ay mga salita na naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa pang-abay. Ito ay kabilang din sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.
1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng isang pandiwa sa pangungusap. Mayroon itong tatlong (3) uri: may pananda, walang pananda, at nagsasaad ng dalas.
May Pananda
Halimbawa: nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
Walang pananda
Halimbawa: kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali
Halimbawa: araw-araw, tuwing, taun-taon
Kailangan mong maligo araw-araw.
Tuwing umaga nangunguha si ama ng mangga.
Nagbabakasyon kami sa Hongkong taun-taon.
Lingo-lingo kung mamili ng paninda si Aling Fe.
Oras-oras kung magdasal ang mga madre.
2. Pang-abay na Panlunan
Ang pang-abay na panlunan ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Ito ay nagsasabi kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap. Tumutukoy din ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Ilan sa mga halimbawa ng pang-abay na panlunan ang mga salitang sa, kina o kay.
Samantala, ginagamit ang ‘sa’ kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip. Ang ‘kay’ at ‘kina’ naman ay ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
3. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang nang, na, at -ng.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagpapahiwatig ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang marahil, siguro, tila, baka, wari, parang, at iba pa.
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagsasaad ng pagsang-ayon ng nagsasalita sa pangungusap. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga, syempre at marami pang iba.
6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pagtanggi, pagsalungat o pagtutol. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga salitang hindi,
7. Pang-abay na Panggaano o Pampanukat
Ang pang-abay na panggaano o pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat ng pinag-uusapan sa pangungusap. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong na gaano o magkano ang halaga.
8. Pang-abay na Pamitagan
Ang pang-abay na pamitagan ay nagsasaad ng paggalang.
9. Pang-abay na Panulad
Ang pang-abay na panulad ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay sa pangungusap.