👤

3. Paano inaabuso ang paggamit ng produktong may caffeine, nikotina, at alkohol?​

Sagot :

  • Bihira sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng heroine o cocaine, ang hindi nakatikim ng gateway drugs. Ano nga ba ang Gateway Drugs? Ito ay ang unang hakbang sa paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot ang paggamit ng mga gateway drugs tulad ng mga pagkaing may caffeine, tobacco at alcohol.

  • Narito ang mga halimbawa ng mga pagkain o inumin na may caffeine

  • Ang caffeine ay isang uri ng gamot na natural na matatagpuan sa mga dahon at buto ng maraming uri ng halaman. Maaari rin itong gawin sa artipisyal na pamamaraan at ilahok sa mga pagkain. Ito ay itinuturing na gamot o drugs dahil sa nagpapagising ito sa ating central nervous system na nagiging sanhi ng pagiging aktibo ng isang indibidwal. Matatagpuan ito sa maraming inumin tulad ng kape, tsokolate, at soft drinks, gayundin sa mga pain relievers at mga gamot na mabibili ng walang reseta. Mapait ang lasa ng caffeine kung kaya’t dumadaan sa mahabang proseso ang mga inuming may caffeine upang mawala ang pait ng lasa nito. Ang caffeine ay hindi naiiwan sa katawan ngunit mararamdaman ng isang tao ang epekto nito sa loob ng anim na oras. Ito ay itinuturing na diuretic, nagiging sanhi ito ng pag- ihi ng madalas ng mga taong kumokunsumo nito. Ang mga pagkaing may gamot na caffeine ay karaniwang mabibili sa mga botika, sari- sari stores, groceries at maging sa convenience stores. Maraming pagkain at inuming may caffeine tulad ng nasa listahang inihaanda ko. I HOPE NA MAKATULONG ITO GOODBLESS #CARYONLEARNING