👤

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon

isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas

kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng

parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa

buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa

kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbabago sa

nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng

gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at

kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay

katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi

mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay

walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging

komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga

gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano

ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin

ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod,

pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa

mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga

kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan

ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya atnakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para

sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno,

higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa

kalalakihan makalipas ang 50 taon.

At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga

sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang

networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity

leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas

sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang

kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong

mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay

binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay

tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring

mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. Marami

pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa

tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa

kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap

at pantay na karapatan nila sa lipunan.
1. Ano ang paksa ng binasa ?

2. Ano ang layunin ng sumulat nito?

3. Ipaliwanag ang sumusunod na kaisipan :

a. “Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa

mababang kalagayan sa lipunan.”

b. “Ang karapatan at kalagayan ng kababaihan ay umuunlad kung

ihahambing 50 taon ang nakalipas.”

c. “Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa

kasarian.”

4. Ano ang masasabi mo sa pagkakabuo ng sanaysay ?

5. Paano masasalamin sa sanaysay ang kalagayang panlipunan at kultura ng

Silangang Asya?
please po thank you!!:)​