👤

Panuto: Isulat kung anong emosyon ang ipinakikita sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa kahon. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
Pagmamahal
Pagkagalit
Pagkayamot
Pag-asa
Pagkagalak
Pagkatakot
21. Naniniwala ako na kaya mo ipasa ang iyong proyekto sa takdang araw.
22. Huwag ka ngang malikot jan. May ginagawa pa ako.
23. Huwag ka nang malungkot. May darating din para sa 'yo.
24. Naku! Nandyan na naman ang laging nanunukso sa akin. Huwag ninyo akong ituturo sa kaniya.
25. Tiyak may bago na akong cellphone! Matataas ang marka ko!
26. Father's Day na sa Linggo. Sorpresahin natin si Tatay.
27. Akala mo naman kung sino ka! Huwag ka ngang mayabang!
28. Sobrang trapik naman dito! Hindi na ako makakahabol sa aking klase.
29. Malapit nang umuwi si Tatay. Ano kaya ang kanyang pasalubong?
30. Ano ang gumugulo sa isip mo? May maiitulong ba ko?​