Panuto: Basahin ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa patlang. -1. Anong bilang ng Komonwelth Act ang nagsasaad ng pagtatag ng Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa upang pag-aralan ang mga wika at diyalekto na magiging batayan pambansang wika? A. Komonwelth Act Bilang 570 C Komonwelth Act Bilang 184 B. Komonwelth Act Bilang 750 D Komonwelth Act Bilang 814 -2. Anong batas ang itinakda kung saan magkakasundo ang mga nagpapaupa sa pamamagitan ng kontratang lalagdaan ng dalawang panig? A. Eight Hour Labor Law C. Public Defender Act B. Tenancy Act D. Minimum Wage Law -3. Anong batas ang nagsasaad na pinagkalooban ng kapangyarihang bumuto ang mga kababaihan? A. Saligang Batas ng 1935 C. Public Defender Act B. Komonwelth Act Bilang 184 D. Tenancy Act -4. Sa pagbibigay pansin ni Pangulong Quezon sa katarungang panlipunan para sa lahat, paano niya ipinakita ang malasakit sa mga manggagawa? A. Pagbibigay ng libreng buwis sa mga magsasaka B. Pantay ang distribution ng lupa sa kasama at may-ari C. Pagbibigay ng batas sa pasahod at walong oras lamang na pagtratrabaho D. Tiniyak niya na magkaakroon ng karapatan ang maliliit na may-ari ng lupain 5. Ano ang naging bunga ng pakikipaglaban ng mga kababaihan sa kanilang karapatan upang makaboto? A. Hindi dininig ang kanilang hinaing B. Naging matagumpay sila at nakamit ang mithiin C. Nawalan ng saysay ang kanilang pakikipaglaban D. Napakinggan sila ngunit hindi pa rin nabigyan ng karapatan 6. Anong batas ang inilabas na siyang nagtatag ng libreng edukasyon? A. Batas Blg. 95 B.Batas Blg. 47 C. Batas Blg. 59 D.Batas Blg. 74 _7. Sa panahon ng Amerikano, ano ang itinuturing na pinakamalaking ambag sa bansa? A. wika B.relihiyon C. edukasyon D kultura 8. Sinong Pilipino ang nakapagsulat ng unang nobela sa English ? A. Zoilo. M Galang C. Nick Joaquin B. Aurelio Tolentino D. Severino delos Reyes 9. Anong pamahalaan ang itinatag upang sanayin ang mga Pilipino na mamahala sa bansa? A. Pamahalaang Demokratiko C. Pamahalaang Komonwelth B. Pamahalaang Parlamentaryo D. Pamahalaang Komunismo 10. Ito ay itinatag upang magpayo at gumabay sa pamahalaan ukol sa pagpapabuti at pagreporma sa sistema ng edukasyon sa pampubliko at pribadong paaralan. A. Pambansang Asamblea C. Tenancy Act B. National Council of Education D. Surian ng Wikang Pambansa