👤

gumawa ng sariling bersyon ng Ang Alamat ng Daigdig

20+ points


Sagot :

Ayon sa alamat, sina Kalangitan at Katubigan ay may dalawang anak. Sila ay sina Langit at Tubigan. Si Langit ang kinilalang diyosa ng kalawakan at si Tubigan ang diyos ng katubigan. Sina Tubigan at Langit ay nagpakasal. Dalawa rin ang kanilang naging mga anak. Sila ay sina Dagat at Paros. Si Dagat ang naging diyosa ng karagatan at si Paros ang naging diyos ng hangin.

Lumaon ay nagpakasal din sina Paros at Dagat. Apat ang naging mga supling nina Dagat at Paros. Tatlo sa mga ito ang lalaki at nag-iisa ang babae. Ang panganay ay pinangalanan din nilang Dagat, isang makisig at malakas na lalaki. Sumunod sa kanya si Adlaw, isang masayahing lalaki na may katawang ginto. Kulay tanso ang katawan ng sumunod na si Bulan ngunit mahina ang kanyang katawan. Ang tanging babae, si Bitoon, ay kulay pilak at may ma-gandang tindig.

Nang mamatay sina Paros at Dagat ay inalagaan nina Langit at Tubigan ang kanilang mga apo. Dahil patay na ang mga magulang ay naging ambisyoso si Dagat lalo pa at napunta sa