1. Ano ang tawag sa disenyo ng anyong musikal na may isang verse na di inuulit ang pag-awit? A. Binary B. Unitary C. Strophic D. Pentatonic 2. Kung ang awit ay binubuo ng dalawa o higit pang verse na inuulit ang tono sa bawat verse, ito ay tinatawag na? A. Strophic B. Ternary C.Binary D. Unitary 3. Aling tinig ang nababagay sa medyo maliit at mataas na tinig ng babae? A Alto B Baho C Soprano D Tenor 4. Aling tinig ang nababagay sa medyo bahaw, mababa, at di gaanong mataas na tinig? A. Alto B. Baho C. Soprano D. Tenor 5. May kalakihan ang timbre at mababa ang tono ng inaawit lagi ng iyong tatay, alin ang nababagay na tinig sa kanya? A. Alto B. Baho C. Soprano D. Tenor 6. Naaawit ng kapatid mong lalaki ang matataas na tono, aling tinig ang nababagay sa kanya? A. Alto B. Baho C. Soprano D. Tenor 7. Ito ay isang lipon ng drum na binubuo ng dalawa, tatlo, apat, lima hanggang anim na drum. A. Tenor drum B. Bass drum C. Snare drum D. Cymbals 8. Alin ang instrumentong kinakalabit? A. kudyapi B. plauta C. tambol D. saylopon 9. Ito ang pinakamalaking instrument sa rondalla. A. gitara B. bajo de unas C. laud D. banduria 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga instrumentong etniko? A. Octavina B. tambuli C. kudyapi D. sulibaw