Sagot :
Pinansyal na Pagpaplano
Isa sa mga pangunahing bagay na kinakailangang bigyang prayoridad pagdating sa pagpaplano ay ang tungkol sa pinansyal. Malaki ang nagiging epekto nito sa pang araw-araw na pamumuhay ng isang indibidwal, gayundin ang magiging hinaharap nito. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa mga mahahalagang bagay na kinakailangang bigyan ng pansin tuwing nagpaplano ukol sa pinansyal:
- Isulat ang lahat ng mga kinakailangang gastusan. Umpisahan ang listahan mula sa pinakamahalagang mga pangangailangan.
- Mag-umpisa ng "emergency fund" o nakasiping salapi na maaaring gamitin kung mayroong maganap na hindi inaasahang pangyayari.
- Mag-umpisang magplano ng karagdagang pagkakakitaan.
- Iwasan ang mga gawain o bagay na hindi mahalaga na nangangailangan ng malaking gastusin.
- Mag-impok ng salapi upang magamit sa hinaharap.
Pinansyal na pagpaplano na nakasalin sa wikang Ingles: https://brainly.ph/question/6015150
#LetsStudy