Sagot :
Paano Nakakatulong ang Weekly Home Learning Plan sa Pagsasagot ng Modyul?
Ano ang Weekly Home Learning plan?
Ang weekly home learning plan ay isang pamamaraan at pagpaplano kung saan naioorganisa ang pang-araw araw na gawain ng estudyante. Nakapaloob dito kung ano ang nararapat na gawin ng mag-aral para sa araw na iyon at kung ano ang mga kinakailangan niyang tapusin. Nakasaayos na din sa plano na ito ang mga gawain,paksa, asignatura at proyekto para sa buong isang linggo, ito ay upang magkaroon ang estudyante ng komprehensibong pag-unawa sa kanyang pinag-aaralan.
Paano nakakatulong ang Weekly Home Learning Plan sa Pagsasagot ng Modyul?
- Nagkakaroon ng maayos na pamamahala ng oras.
- Natutupad ang iskedyul ng pagtuturo.
- Hindi nahuhuli ang estudyante sa paksa.
- Nakakasabay ang estudyante sa itinuturo ng guro.
- Hindi nagsisiksikan ang mga dapat gawin o tapusin.
- Nakakapag-isip at nakakapagsagot ng mas maayos ang estudyante.
- Hindi namomroblema sa pagsusumite sa huling oras.
- Mas naiiwasan ang tukso ng pangongopya.
- Maayos na nagagawa ang mga tungkulin bilang mag-aaral.
- Nagiging disiplinado ang mag-aaral sa oras at paggawa.
Paano Gumawa ng Weekly Home Learning Plan?
Ang paggawa ng Weekly Home Learning Plan ay ibinabase sa programang aktuwal o kasulukuyang pinag-aaralan ng klase. Kariniwang ginagawa ito ng guro at ibinibigay sa mga estudyante upang matulungan sila na mas mabisang makapag-aral, makapagsagot at makapagsumite sa oras. Nakapaloob sa ibaba ay ilan sa mga hakbang na kinakailangan ikonsidera sa paggawa ng plano.
- Alamin kung ano ang dapat at kinakailangan na matutunan ng estudyante
- Magtakda ng layunin ayon sa kayang makamit ng estudyante.
- Bigyan ng kalayaan ang estudyante na pumili kung paanong paraan ng pag-aaral ang mas makakatulong sa kanila.
- Suriin ang kakayanan ng estudyante.
- Subaybayan kung ano ang mga natapos na at hindi pa natatapos.
- Hikayatin ang mga mag-aaral sa positibong pamamaraan upang mas ganahan sila na tapusin ang mga plano.
Para sa Karagdagang Ipormasyon:
Essential Elements of the Weekly Home Learning Plan to look for:
https://brainly.ph/question/5487615
#SPJ2