Gawain 2: Isip-isip! Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Para sa bilang 1-4: A-Hamong Pangkabuhayan B-Hamong Pangkapayapaan C-Hamong Pampulitika DHamong Pangkultura 1. Anong hamon o suliranin ang kinaharap ng mga Pilipino kung saan malaki ang pinsalang naiwan sa Pilipinas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? 2. Anong hamon o suliranin kung saan nagkaroon ng paligsahan sa kapangyarihan at tungkulin sa pamahalaan? 3. Anong hamon o suliranin kung saan nagkaroon ng pagliligalig ng mga Huk at pakikipaglaban sa pamahalaan? 4. Malakas ang impluwensiyang dayuhan sa mga katutubong sining, panitikan, mga saloobin at gawi ng mga Pilipino ito ay hamon sa ating pagkakakilanlan.