Sagot :
Answer:
EKONOMIKS PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Bawat tao ay humaharap sa iba’t ibang sitwasyon sa araw-araw. Kalimitan, magkakaiba ang kanilang mga karanasan ayon sa kanilang mga kagustuhan at pangangailangan. Ang kanilang pagtugon ay batay sa kanilang interes at preperensiya o pinipili. Sa kabila nito, hindi maikakaila na kaalinsabay ng pagtugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ay nahaharap sila sa suliranin na dulot ng kakapusan ng pinagkukunang-yaman. Ang modyul na ito ay naglalayong maipamalas mo bilang mag-aaral ang iyong pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. Layunin din nitong maisabuhay mo ang mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw- araw na pamumuhay Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-araw na pamumuhay. Sa araling ito, inaasahan na matutuhan mo ang sumusunod: ARALIN 1: KAHULUGAN NG EKONOMIKS» » Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.» » Natataya ang kahalagahan ng ekonomiks sa pang- araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya at ng lipunan. ARALIN 2: KAKAPUSAN» » Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang- araw-araw na pamumuhay.» » Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.» » Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan.» » Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan