👤

Gawain 1 : Paglinang ng Talasalitaan:

A. Panuto : Tukuyin ang payak na salita ng maylaping salitang nakasulat

nang may diin sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

1. Makikita sa pagkakaluhod ng babae habang siya ay

nananalangin ang kanyang pagkilala sa Maykapal na lumikha

sa kanya.

2. Maraming tao ang patuloy na nagtutumangis sa Diyos na

baguhin ang kanilang kalagayan sa buhay.

3. Ang pagtanda ng ating pisikal na katawan at ang pagkakasakit

ay tanda lamang na ang buhay ng btao ay may katapusan.



4. Ang ating wagas na pagsuyo at pagmamahal sa ating pamilya ay

ipadama natin sa kanila habang may oras pa at habang tayo ay

malakas pa.

5. Bawat tao ay hahantong sa kaniyang sariling libingan kaya

gawin nating makabuluhan ang bawat sandal ng ating buhay.​