Panuto: Suriin kung WASTO O MALI ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. 16. Ginamit ng mga kababaihan ang kanilang katalinuhan upang linlangin ang mga Hapones. 17. Ipinakulong si Jose Abad Santos sa Lanao dahil pilit niyang sinalungat ang mga Hapones. 18. Ang mga nadadakip na gerilyang Pilipino ay ikinulong, pinarurusahan at pinatay 19. Ang mga USAFFE na nakaligtas sa kamay ng mga Hapones ay piniling mamundok at sumama sa gerilya. 20. Hindi naging sagabal ang kakulangan nila sa armas at kagamitang pandigma maisulong lamang ang kanilang karapatan. 21. Ang mga sibilyan ay nakibaka sa pamamagitan ng pagiging espiya laban sa mga Hapones. 22. Ang tawag sa mga ang pulisyang militar ng mga Hapones ay MAKAPILI. 23. Ang Hukbong Bayan Laban sa Hapon (HUKBALAHAP) ay isang kilusang itinatag upang labanan ang mga Hapones 24. Naging kakampi ng mga Hapones ang mga gerilya. 25. Napigilan ang mabilis na pagsakop ng mga Hapones sa pamamagitan ng pakikipagdigmaan.