Sagot :
Kasagutan:
Ang EDSA Revolution ay kilala rin sa katawagang People Power Revolution na naganap noong 1986. Ito ay ang kilos protesta ng mga mamamayan ng Pilipinas upang mapatalsik sa pwesto ang noong pangulo na si Ferdinand Marcos. Isa sa mga kadahilanang na nagnanais sa mga mamamayan na mapaalis si Marcos ay upang tuluyan nang magwakas ang administrasyong diktatorya. Pinamunuan ito ni Juan Ponce Enrile na noon ay kasalukuyang Commander-in-Chief ng sandatahang lakas, gayundin ni Corazon Aquino.
Epekto ng EDSA Revolution
Ang protesta ng mga tao sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang panig ng bansa ay tumagal ng apat na araw. Napatalsik at tuluyan ng nagwakas ang administrasyong Marcos matapos ang protesta at pumalit sa kanyang pwesto ang kauna-unahang babaeng naupo bilang presidente ng bansa na si Corazon Aquino.