👤

sino ang gumawa sa mundo

Sagot :

Answer:

GINAWA NI JESUS ANG MUNDO

Panahon na upang gawin ang mundo. Pinili ng Ama sa Langit si Jesucristo upang gumawa nito. Sinabi Niya kay Jesus kung paano ito gagawin. Ginawa ni Jesus ang mundo sa loob ng anim na araw.Ang mga araw noon ay mas mahaba kaysa araw natin ngayon. Sa unang araw ay ginawa ni Jesus ang liwanag. Tinawag Niya itong araw. Ginawa Niya ang kadiliman. Tinawag Niya itong gabi.Sa ikalawang araw ay hinati ni Jesus ang tubig. Ang ibang tubig ay nasa mundo. Ang ibang tubig ay nasa mga ulap sa langit.Sa ikatlong araw ay ginawa ni Jesus ang tuyong lupa. Pinatubo Niya ang mga damo at puno. Pinatubo Niyang lahat ang halaman.Sa ikaapat na araw ay ginawa ni Jesus ang araw. Ginawa Niya ang buwan at mga bituin.Sa ikalimang araw ay inilagay ni Jesus ang mga isda sa tubig. Ginawa rin Niya ang mga ibon. Sa ikaanim na araw ay ginawa ni Jesus ang iba pang mga hayop. Ginawa Niya ang mga baka at kabayo at aso. Ginawa Niya ang mga usa at leon at tigre.Ginawa ng Diyos at ni Jesus ang lalaki. Siya ang kauna-unahang lalaki sa mundo. Ang pangalan niya ay Adan. Si Adan ay kasing anyo ng Diyos at ni Jesus. Si Adan ay nakatira sa isang magandang halamanan. Ito ay tinawag na Halamanan ng Eden.Si Adan ay nag-iisa sa halamanan. Kaya ginawa ng Diyos at ni Jesus ang babae. Ang pangalan niya ay Eba. Siya ang asawa ni Adan.Sinabi ng Diyos at ni Jesus kina Adan at Eba na pangalagaan ang halamanan. Sinabi Nila sa kanilang magkaroon ng mga anak.Pinagmasdan ng Diyos at ni Jesus ang lahat ng Kanilang ginawa. Ang mga iyon ay mabubuti. Sa ikapitong araw Sila ay nagpahinga.

 

Explanation:

Answer:

ang gumawa sa ating mundo ay ang diyos dahil siya ang ating hari/king at siya ay makapangyarihan

Explanation:

hope its help