II. A.Piliin ang tinutukoy ng bawat katanungan sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang. a. Niponggo b. Philippine Executive Commission c. Pinapirma ng katapatan d. Naghirap at dumanas ng matinding gutom e. War Economy f. buy-and-sell g. Jose P. Laurel h. Hideki Tojo 1. Anong komisyon ang pinamunuan ni Jorge Vargas na nagsilbing pansamantalang katiwalang pamahalaan ng Maynila? 2. Sinong prime minister ng Japan ang nagpahayag ng kalayaan ng mga Pilipino? 3. Sino ang naihalal na pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas? 4. Paano kinontrol ng mga Hapones ang mga Pilipino? 5. Ano ang wikang itinuro ng mga Hapones sa mga Pilipino? 6. Anumang bagay na may halaga ay binibili at ipagbibili muli upang kumita. Anong uring hanapbuhay ito na laganap noong panahon ng mga Hapones? 7. Ano ang tawag sa isang sistema ng paggawa, paggamit, at paglalaan ng mga mapagkukunang materyal upang magbigay-daan sa karahasan o digmaan? 8. Paano mailalarawan ang kabuhayan ng mga Pilipino sa ilalim ng Hapon?