👤

paturo nman poh sa inyu Ng performance Ng anak ko..."Dignidad Ng Tao,Igagalang Ko " gawin tula po​

Sagot :

Answer:

Bilang mga nilalang, nais natin lagi ay may biyaya,

pagpapalang madalas ay mula sa ating nilikha.

ngunit mayroon din tayong regalo na dapat ibigay sa sarili,

ito ay ang pangalang malinis, igalang ng nakakarami.

bawat isa saatin ay may imaheng dapat pangalanan,

mga karapatan at pagpapahalagang ingatan.

dapat ito ay mag umpisa sa ating bawat kilos at pagniniwala,

siguruhing maging patas at kabutihan ang ipakita.

alamin ang kahalagahan ng wastong kilos na nakahahanga,

igalang ang antas ng pamumuhay ng iyong kasalamuha.

kapag nakita nila na ikaw ay marunong gumalang sa kapwa,

siguradong dignidad mo sa iba ay natatangi at ubod ng ganda.

regalo natin sa ating sarili ang paggalang sa iba, regalo na rin natin ang paggalang na sa kapwa'y nakukuha.

Humarap sa mga tao ng mayroong karangalan,

Magandang pagtingin sa iba ay walang anumang kabayaran.

Explanation:

ipinapakita dito ang paggalang at dangal ay bunga ng dignidad ng isang tao. Ang taong may dignidad ay isang magandang halimbawa sa iba at nagsisilbing huwaran sa mga tao. Nakukuha ang Dignidad ng tao sa pagkilos ng maayos,Disiplina at paggalang sa kapwa.