👤

Ito ay tumutukoy sa ninanais na patunguhan ng galaw/kilos

Sagot :

Answer:

Ang PagkumpasAng kumpas ay anumang galaw o kilos ng alinmang bahagi ng katawan na may laying maghatid sa manonood ng damdamin ng tula at mailarawan ng buong linaw ang kaisipan, mensahe/diwa nito. Ginagamit din ito sa pagbibigay-diin sa pagpapahayag.Itinuturing ang kumpas na isa sa napakahalagang sangkap ng masining na pagbigkas.1. May dalawang uri ang kumpasa. Ang kumpas ng kaugalian na tumutukoy sa kaugalian ng mga tao.b. Ang pagkumpas na paglalarawan na tumutukoy sa pagkumpas ng panggagaya o paghuhuwad.2. Kahulugan ng mga KumpasAng mga kumpas na pangkaugalian:a. Kumpas na paturoGinagamit ito sa panghahamak, pagkagalit, pagkapoot, at pagtawag ng pansinsa bagay na itinuturo.Halimbawa:Ikaw! Sila….! Kayo ….!Kayong lahat …..!Mapanghamak na Lipunan ….!b. Dalawang kamayNakalahad na dalawang kamay at unti-unting itinataasHalimbawaBangon….Bangon na Bidasari….c. Kumpas na pasubaybayGinagamit kung nais bigyan ng diin ang pagkakaugnay ng diwa.HalimbawaSa lahat ng dako, ng bayan kong sawi,Laganap ang sama’t mga gawaing mali…(kuha sa Florante at Laura ni F. Balagtas)d. Kumpas ng kamay na mabilis na ibababa, pabagsak at matalimHalimbawa:Ngunit pagkatapos…ng daang taong alipin….Lahing kayumanggi’y namulat nagisingSiniil na laya’t, hangaring pinigilBiglang sumilakbo … di kaya’y awatin

e. Dalawang nakabukas na bisig pantay balikat at nagpapahiwatig ng kalawakanHalimbawa:At sa kalawakay biglang naulinig….Yaong hinaing …. Napaos na tinig..f. Dalawang kamay na marahang ibinababa (nagpapahiwatig ng panlulupaypay at pagkabigo)Kumpas ng Paglalarawana. Palad na nakataob – nagpapahiwatig ng galit, lalo na’t kung ito ay biglang ibababa.HalimbawaKahubdan at gutom!Isipang salanta;Ito ba ang akingManang mapapalaNa labi ng iyongTaniman at sumpa?(kuha sa Tinig ng Darating ni T. Baylen)b. Bukas na palad na marahang ibinababa – nagsasaad ng mababang uri ng damdamin o kaisipan.HalimbawaDi gayon nga, awtoridad ay naibaNapalitan ang balangkasNangabago ang sistemaNguni’t yon din:Ang dayuha’y panginoonPilipino ang busabosNakayuko, tagasunodWalang tutol …..(kuha sa Pilipino: Isang Depinisyon ni P. Pineda)c. Kuyom na palad – nagsasaad ng pagkapoot at nagpupuyos na damdamin.HalimbawaAng naamis ay nagbangon, lumaban at naghimagsikKamatayan ay sinuong, sinagupa ang panganib…!(kuha sa Pilipino: Isang Depinisyon ni P. Pineda)d. Bukas na palad na paharap na nagsasalita. Ginagamit ito na pantawag-pansin ang alinmang bahagi ng katawan ng nagsasalita.HalimbawaAko’y guro, isang gurong tungkulin ay taimtimMaputi na ang buhok kong dati rati’y maitimAng tudling ng katandaan sa noo ko’y mapapansinAt ang ilaw ng mata ko’y malapit nang mangulimlimAng pisngi kong kulay rosas ay maputla na at laingPati puso’t kaluluwa’y sa langit nakatingin(kuha sa Ako’y guro ni B. Del Valle)e. Palad na nakabukas na magkalayo ang mga daliri na unti-unting tumitikom. Nagsasaad ito ng matindi, ngunit matimping damdamin.Halimbawa:Ngunit gumabi na …..

At saka nagdilim ….Na sa gawing laot ay nagpapalagim;Katangian ng isang Mabuting Kumpasa. Ang mabuting kumpas ay maluwag at maganda, iyong natural. Hindi yaong tuwid na tuwid ang katawan, naninigas ang bisig, leeg, nanggigigil o dili naman kaya’y malikot at animo’y nagsasayaw. Ang anyo o ekspresyon ng mukha ay kailangang iangkop sa kaisipan at damdaming ibig bigyang-diin ng kumpas at nais ilarawan. Ang wastong