7. Maraming tanim sa paligid ng aming paaralan. Maraming mga puno at mga halamang namumulaklak. Marami ring mga gulay. Talagang maganda ang aming paaralan. Palagi pa itong malinis.
Paksa:___________
8. Ang bibingka ay isang klase ng kakanin na gawa sa giniling na malagkit. Ito ay niluto sa gata ng niyog at asukal. Kakaiba ang pagluluto nito sa ibang kakanin: may apoy o baga sa ilalim at sa ibabaw. Para higit itong maging masarap, nilalagyan pa ito ng hiwa-hiwang itlog na maalat at kesong puti sa ibabaw.