Sagot :
Answer:
Ang mga panandang Pandiskurso ay nagbibigay-linaw at nag-uugnay ng mga kaisipang inilalahad sa isang teksto o diskurso. Maaring maghudyat ito ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o di kaya ay maghimaton tungkol sa pagkakabuo ng diskurso. Karaniwan ng ito’y kinakatawan ng mga pang-ugnay o pangatnig. (Badayos.2006)
Explanation:
Ginagamit ang mga panandang pandiskurso para ipakita ang pagbabago ng paksa, pagtitiyak, pagbibigay halimbawa, opinyon, at paglalahat. Hinahati nito ang mga bahagi ng pahayag at ipinapakita ang relasyon ng mga ito. Ito ay kilala rin bilang panghudyat na salita. (Abad, 2004)
Ginagamit ang mga pananda bilang hudyat sa mga sumusunod na sitwasyon o ayos ng paglalahad. ( Abad, 2004)
Hal.
Pagkakasunud-sunod, o nagsasaad ng pagpupuno o pagdaragdag ng impormasyon
Hal.
At, saka, pati at bukod pa
2. Panahon
Hal.
Una kasunod nito noong una
Pagkatapos di-naglaon habang
Mayamaya pagkalipas pagkaraan
Minsan hanggang samantala
3. Pook
Sa unahan sa harapan sa likod
Malapit sa sa kaliwa sa kanan
Sa ibabaw sa ilalim sa tagiliran
Kinawakasan/ kinasapitan– nagsasaad ng kinalabasan o kinahinatnan,
Tuloy sa wakas kaya
bunga nito kung gayon sa dakong huli
kaya naman samakatuwid sa gayon
dahil dito
Sa pagtutulad o paghahambing
Tulad kapwa gaya
Para mandin tila
6. Pagdaragdag
Muli rin
Kasunod at pangalawa
7 Maliban, bukod kay, huwag lang, bukod sa– nagsasaad ng pagbubukod o paghihiwalay
8. Pagkakaiba, konsesyon, at bahaging pagbabagong lahad
Subalit samantala bagama’t
Ganuman kasabay ng siyempre
Natural marahil saa kabilang banda/ dako
9. Pagpapasidhi o pagtitiyak
Walang duda tunay sa katunayan
10. Madalas sa pagpapahayag ng kagustuhan ginagamit natin ang mga salitang: hangad, gusto, nais, nasa, mithi, pangarap, asam, sana, kung pwede, maaari, tuwa ko lang, hanggat maaari, dumadalangin, nananalangin, umaasam.f