B.Panuto: Salungguhitan ang ginamit na pang-ugnay sa paglalahad. 21. Marami ang naaning palay ni Mang Pedring, ang problema, napakamura naman ng presyo nito. 22. Hinahangaan siya bilang lider dahil ang mga katangian nito ay may paninindigan at makatarungan sa kanyang nasasakupan. 23. Kasunod nito, kailangang sundin natin ang mga umiiral na protocols upang hindi tayo mahawaan ng sakit na ito. 24. Nagkaroon siya ng kanser sa baga palibhasa mahilig siyang manigarilyo. 25. Isang araw, nakasalubong niya ang kanyang idolo habang siya'y naglalakad.