Sagot :
Answer:
1. GO FOODS
2. GROW FOODS
3. GLOW FOODS
Explanation:
Pangkat I (GROW FOODS) Mga Pagkaing Tumutulong sa Paglaki Mayaman sa protina ang mga pagkaing kasama sa Pangkat I. Ang PROTINA ay sustansiyang tumutulong sa paglaki at pag-unlad ng mga buto at kalamnan. Mahalagang panustos din ang protina sapagkat ito ang nagpapanumbalik ng wastong ayos ng mga nasira at nasugatang kalamnan. Pinapupula din ng protina ang dugo, pinatitigas ang kalamnan, at pinatitibay ang mga kuko at ngipin.
Pangkat II (GO FOODS) Mga Pagkaing Nagbibigay-Lakas CARBOHYDRATES ang pangunahing sustansiya na nagbibigay-lakas at init sa katawan, kasunod ang langis at taba.
Pangkat III (GLOW FOODS) Mga Pagkaing Pananggalang sa Sakit at Impeksiyon Ang Bitamina A, Calcium, at Iron ay mga sustansiyang mahalaga upang magkaroon ng malinaw na mata, makinis na balat, at matibay na buto at ngipin. Ang Bitamina C naman ay upang lumakas ang resistensiya ng katawan laban sa sakit at impeksiyon. Pinalulusog din nito ang mga ngipin at gilagid.
HOPE IT HELPS. CORRECT ME IF I'M WRONG.