👤

1. Bakit may mga maimpluwensyang tao na gustong manakop ng isang lugar?

2. Alin ang mas mahirap gampanan, ang pagiging lider o mamamayan?

3. Ika nga nila "A good leader is a good follower”, ano ang ibig ipakahulugan nito?

sagotan po ng maayos​


Sagot :

1. Bakit may mga maimpluwensyang tao na gustong manakop ng isang lugar?

Ang dahilan dito ay ang impluwensiyang bumabalot sa kanila, na nakapagbibigay sa kanila ng labis na paghahangad na maging mataas at angat kaysa sa iba. Hindi sila nakukuntento sa kung ano na ang mayroon sila, at dahil dito nanakop sila para bigyan nang kakaunting satisfaction ang kanilang sarili. Tuwing nagagawa nila ito ay lalong tumataas ang impluwensiya nila, ngunit hindi pa rin nababawasan ang paghahangad nila na manakop, bagkus, lalo pa itong tumataas at sumasama.

2. Alin ang mas mahirap gampanan, ang pagiging lider o mamamayan?

Siguro'y pagiging leader ang mas mahirap. Ang leader ang kadalasang namamahala ng isang grupo, partido o organisasyon. Sila ang tinitingala at may pinakamataas na kapangyarihan sa mga pagdedesisyon at gagawin. Sila ang nagsisilbing haligi, lakas at nagbibigay sa anumang grupo. Kaya kapag palpak ang gawain, sila marahil ang pinakaapektado dahil naiisip nila na hindi naging maganda at maayos ang naging pamamahala nila.

3. Ika nga nila "A good leader is a good follower”, ano ang ibig ipakahulugan nito?

Ibig sabihin nito na ang mga huwarang namumuno ay minsan nang naging tagasunod, o ang huwarang namumuno ay may mga katangian ng parehong tagasunod at namumuno. Sa madaling salita, ang mga lider ay hindi lamang lider na namamahala o nagdedesisyon para sa isang gawain, dapat din ang lider na maging mabuting tagasunod o may puso na makinig sa suhestiyon ng mga tagasunod nito.

Ang magandang pamamahala ay hindi laging bumabase sa naiisip ng namumuno, dapat din itong bumase sa mga ideya ng mga tagasunod. Pagkakaroon ng malinaw at maayos na koneksiyon ang pinakamagandang mamayani sa bawat proyekto. Sa ganitong paraan, pantay-pantay ang nagiging distribusyon ng trabaho na makapagpapaganda pa lalo ng kahit anong proyekto.