Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang tsek (/) kung ang ipinapahayag sa bawat pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa iba sa oras ng pamamahinga at may sakit, ekis naman (x) kung hindi. Sagot na lamang ang iyong isusulat sa sagutang papel. 1. Inaaliw ni Helen ang may sakit na kapatid nang hindi inaabala ang kaniyang pagpapahinga, 2. Iniiwasan ni Dale ang pamamasyal sa bahay ng kaibigan sa oras ng kanilang pamamahinga 3. Nagpatugtog ng malakas si Ben ng kaniyang paboritong kanta habang natutulog at nagpagpapahinga ang kaniyang ate. 4. Kahit alam ni Bert na may sakit ang kaniyang kapatid, paulit-ulit niya pa rin itong kinukulit. 5. Kinausap nang mahinahon ni Carlo ang mga kamag-aral at kaibigan na huwag mag ingay dahil natutulog ang kaniyang Nanay. 6. Iniiwasang makagawa ng ingay ni Ruben na makagagambala sa pagpapahinga ng mga kasama sa bahay, 7. Taimtim na nag alay ng panalangin si Janice sa tiyahin na may sakit. PAKISAGOT PO✨