Sagot :
Answer:
Maaaring Tama maaari ring mali
kung ang positibong pananaw ang iyong hanap, ang sagot ay TAMA
Explanation:
Ang mga patakarang pangkabuhayang ipinatupad ng mga Amerikano sa
panahon ng kanilang pamamahala ay nagkaroon ng maganda at di magandang
epekto. Maganda, sa dahilang maraming produktong Pilipino ang nailuwas sa
Estados Unidos at nagdulot ng malaking kita sa mga mangangalakal na Pilipino.
Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong
mangangalakal gaya ng paggamit ng mga makinarya at bagong teknolohiya. Ang
pamumuhunan ay napaunlad at nakilala ang ating pangunahing mga produkto gaya
ng asukal, niyog, copra at langis sa kanluraning bansa. Ngunit ayon sa mga
ekonomista, mas marami ang di-magandang epekto ng pakikipagkalakalan sa mga
Amerikano.
Ilan sa mga di-magandang epekto ay ang: (1) pagtatali ng ating pamilihan sa
pamilihan ng mga Amerikano; (2) pagpasok ng di gaanong mahahalagang produkto
o pangunahing kailangang produkto ng mgaPilipino; (3) paghina ng mga tradisyunal
nating industriya; (4) kompetisyon ng ating mga agrikultural na produkto sa
produktong agrikultural ng mga Amerikano; (5) lalong pagyaman ng mga Pilipinong
nasa panggitnang antas ng lipunan dahil sila ang hinimok na mamuhunan sa mga
industriyang itinatag ng mga Amerikano; (6) pagbabago ng panlasa at
pagpapahalaga sa mga produkto ng dayuhan at lubusang pagkalugi ng mga
magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan dala ng pagkakaroon ng
makabagong teknolohiya at mga makinarya