👤


23. Ang pangulo ng bansa ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na may kasamang mabigat na responsibilidad
A. May kontrol sa lahat ng kagawaran at kawani ang tagapagpaganap
B. Maglitis sa mga paglabag sa batas
C. Gumawa ng mga batas na ipapatupad sa bansa.
D. Maghatol ng parusa sa mga gumawa ng krimen.
24. Isang mahalagang bagay na naitatag ng Pamahalaang Komonwelt ang pagkakaroon natin ng sariling Sandatahang
Lakas. Bakit kailangang magkaroon ng reserbang lakas ang Sandatahang lakas ng Pilipinas?
A. Upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa bansa
B. Upang makatulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
C.Upang makatulong sa pagtatanggol ng bansa sa oras ng kagipitan
D. Wala sa nabanggit
25. Ang sangay na Hudikatura ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Korte Suprema. Bakit ang Korte Suprema ang lumilitis
ng mga kaso o paglabag sa batas?
A. dahil ito ay kanyang kapangyarihan ayon sa Saligang Batas
B. dahil ito ay utos ng pangulo ng Amerika
C. dahil ang mga kawani nito ay tapat
D. Lahat ng nabanggit
26. Sa matagal na panahon, hindi pantay ang pagtrato sa mga kalalakihan at kababaihan sa ating lipunan. Ano sa palagay
mo ang naramdaman ng mga kababaihan nang mabigyan sila ng pagkakataong makaboto at humabol sa
anumang posisyon sa pamahalaan?
A. Natakot sila sa panibagong responsibilidad.
B. Natuwa sila na bahagi rin sila ng lipunan.
C. Tumanggi sila sa karapatang ibinigay sapagkat abala na sa pamilya.
D. Namuhay sila sa anino ng diskriminasyon sa lipunan.
27. Maraming naging mabuting epekto ang mga programa sa panahon ng Komonwelt sa mga Pilipino. Isa na rito ang
pagkakaroon sarili nating Sandatahang Lakas. Ano ang dahilan kung bakit isang Amerikano ang nagsilbing tagapayo ng military sa
halip na isang Pilipino rin?
A. Dahil sakop pa rin tayo ng mga Amerikano
B. Dahil hindi marunong makipaglaban ang mga Pilipino
C. Dahil mas marami ng karanasan ang mga Amerikano sa pakikipaglaban
D. Dahil ayaw ng mga Pilipinong sundalo ng mabigat na tungkulin
28. Sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt, maraming mga Pilipino ang nabigyan ng pagkakataong
mamuno at magamit ang angking galing sa pamamalakad ng bansa. Ano sa palagay mo ang epekto nito sa mga
mamamayang Pilipino?
A. Nagkaroon ng kumpyansa na pamahalaan ng mga Pilipino ang Pamumuno sa bansa.
B. Nawalan ng tiwala sa pamahalaan ang mga Pilipino upang mamuno.
C. Nangamba sa estado ng pamahalaan ang mga Pilipino sa pamumuno ng bansa.
D. Wala sa nabanggit
29. Ang Pamahalaang Komonwelt ay tatagal ng sampung taon. Sa iyong palagay, bakit ganito katagal ang
ibinigay na panahon ng mga Amerikano ang ating kalayaan?
A. Dahil pinag-iisipan pa nila kung palalayain nga tayo
B. Dahil wala silang balak na palayain talaga tayo​