👤

dahilan ng pag aalsa ng mactan?

Sagot :

Answer:

Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Raha Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapulapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng pulo ng Mactan ang tanging tumutol.

Tumangging tanggapin ni Lapulapu ang kapangyarihan ni Raha Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Raha Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa pulo ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapulapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magellan ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Bisaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si Lapulapu. Ayon kay Antonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapulapu na sumunod sa mga kautusan ni Raha Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng ika-28 ng Abril, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapulapu at kanyang mga mandirigma at sumalakay kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan.

Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapulapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tauhan ni Magellan ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapulapu. Walang opisyal na mga tala ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raha Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa malayo. Iniulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapulapu ay, "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng daigdig dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga kawal na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Raha Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastián Elcano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtataksil ni Humabon. Si Elcano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng daigdig.