👤

Monopolyo sa
Tabako

pagpapatupad ng sariling gawa​


Sagot :

Answer:

Monopolyo sa Tabako

Noong Marso 1, 1782, ipinatupad ang Monopolyo sa Tabako pagkatapos maapprubahan ng Hari ng Espanya. Pumili siya ng ilang lalawigan upang maging pangunahing taniman ng tabako. Kabilang dito ang mga lalawigan sa hilaga and gitnang Luzon tulad ng Ilocos, Cagayan, Isabela at Nueva Ecija. Ang isla ng Marinduque ay nakasama sa pinagtaniman ng halamang ito.

Mahigpit na kinontrol ng pamahalaan ang pagtatanim, pag-aani, paggawa ng sigarilyo, pagbili at pagbenta (pangangalakal) nito. Mabigat na parusa ang ipinapataw sa sinumang lumabag sa mga alituntunin. kahit ang mga magsasaka ay ipinagbawal na humitit ng sariling gawang sigarilyo.

 

Ilan sa mga naging epekto ng monopolyo ay ang pagtaas ng kita ng pamahalaan at naging tanyag din ang Pilipinas sa buong mundo bilang pinagmumulan ng tabako. Subalit nagkaroon din masamang epekto nito tulad ng korapsyon. Madalas hindi umaabot sa mga magsasaka ang kanilang bayad dahil ibinubulsa ito ng mga opisyales. Iyong iba namang magsasaka ay binawian ng lupa dahil sa pagkalugi na dulot ng sakuna.

Pagkatapos ng isang daang taong pagpapatupad ng monopolyo, ito ay hininto o pinawalang-bisa noong taong 1881 dahil sa mga masasamang epekto nito na ikinagalit ng marami.

Explanation: