Piliin kung anong bahagi ng pahayagan ang iyong pupuntahan kung hanapin ang impormasyong nakatala sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kahon. a. Pang-unang Pahina b. Balitang Pandaigdig c. Panlibangan d. Anunsiyo e. Balitang Lokal 1. Editoryal g. Balitang Isports h. Balitang Pangkomersiyo
1. Gusto mong maghanap ng trabaho para sa darating na summer 2. Gusto mong malaman ang nangyayari sa Israel at sa Palestine. 3. Gusto mong malaman ang opinyon ng patnugot hinggil sa mainit na balita, 4. Gusto mong malaman ang palitan ng dolyar at piso. 5. Makikibalita ka tungkol sa paborito mong artista. 6. Nalinip ka at gusto mong maglaro ng palaisipan 7. Nais mong bumili ng bagong bahay. 8. Nais mong malaman ang iba pang balita sa loob ng bansa. 9. Nais mong malaman ang pinakamahalagang pangyayari sa bansa. 10. Nais mong malaman kung anong team ang nanalo sa larong basketbol.