👤

Ano ano ang bahagi ng editoryal?

Sagot :

Answer:

1. Panimula

Ito ang paksa o balitang batayan ng isusulat na tudling. Narito ang mga tala o detalye ng paksa.

2. Katawan

Ito ang kuru-kuro o palagay ng sumulat ukol sa paksa. Maaaring laban o sang-ayon siya sa paksa. Narito rin ang layunin ng sumulat ng editorial.

3. Panapos o Pangwakas

Pagpapatibay ito ng kuru-kuro at pagbibigay ng mungkahi o solusyon sa tinatalakay na isyu.