Sagot :
Answer:
Mga Anyo ng Panitikan:
tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mgasalita sa loob ng pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ngpangungusap o pagpapahayag.
tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
Mga akdang tuluyan
Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
Anekdota – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang sikat, o kilalang mga tao.
Nobela – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabanata.
Pabula – akda kun saan amg mga tauhan ay mga hayop
Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya.
Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalano impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Dula – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
Sanaysay – maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-akda.
Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na impormasyon.
Talumpati – isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat,tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
Balita – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa
Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan