II. TAMA O MALI. Isulat ang I kung ang pangungusap ay tama at M kung ito naman ay mali. Isulat ang sagot bago ang bilang. 6. Nahahati sa dalawang kategorya ang 12 yugto ng makataong kilos. 7. Mahalagang malaman na bawat yugto ng makataong kilos ay gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. 8. Kung ang kamangmangan ay kayang baguhin sa pamamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may kapanagutan na siya sa kaniyang kilos. 9. Sa anomang isasagawang pasya, hindi naman kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito. 10. Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasya.