Sagot :
Answer:
Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak (droplets)
Ang COVID-19 ay ikinakalat ng maliliit na patak mula sa isang tao patungo sa iba. Mahahawahan ng virus ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga mata, ilong o bibig.
Kapag umuubo, bumabahing, o nagsasalita ang isang taong may impeksyon, siya ay maaaring magkalat ng maliliit na patak na may taglay na virus. Ang maliliit na patak ay napakalaki upang manatili sa hangin nang matagal, kaya mabilis na bumabagsak ang mga ito sa ibabaw ng mga bagay na nakapaligid.
papalow po
Answer:
May batayan ang pangamba at pagkabagabag kaugnay ng coronavirus. Pero hindi dahilan ang mga ito para i-stigmatize ang mga grupo ng mga tao. Bagama't sa ibang bansa nagsimulang kumalat ang COVID-19, hindi nauugnay ang sakit na ito sa anumang lahi o nasyonalidad.
Mali at hindi ka magiging ligtas sa pag-stigmatize ng mga tao dahil sa kanilang pinagmulan. Posibleng magkaroon ng coronavirus ang sinuman. Nakakaranas ng mga problema sa pag-iisip at pangangatawan ang mga nai-stigmatize na grupo sa tuwing hinahayaan nating makaapekto sa ating mga pagkilos ang pangamba, poot, stigma, at maling impormasyon. Dapat nating punahin ang mapaminsalang pananalita at alisin ito sa sarili nating bokabularyo.
Panatilihing resilyente ang ating mga komunidad sa mga panahon ng pagsubok. Puksain ang stigma sa iyong mga salita at pagkilos.
Walang dapat sisihin para sa pagkalat ng COVID-19, at dapat tayong magtulungan para mawakasan ang pandemya. Mainam ang oras na ito para sa ilang paalala bilang mabuting kapitbahay: