Sagot :
Answer:
Ang mga simbolo na naglalarawan sa aking sarili ay isang ibon, isang binhi, at isang buwan.
Explanation:
Ako ay tulad ng isang ibong sa simula ay wala pang ideya sa aking kakayanan. Sa pagsuong ko sa hamon ng buhay natuto akong madapa at kalaunay lumipad. Hindi man kasing taas ng lipad ng iba ay naniniwala akong balang araw ay mararating ko rin ang rurok ng aking pagsisiskap.
Ako ay isa ring binhi. Minsan akala koy tinatabunan na ako yun pala ay ako ay tinatanim. Tulad isang binhi darating ang araw na ako ay magiging isang punongkahoy. At balang araw ay aanihin ko rin ang aking produkto ng aking paglago.
Ako ay tulad rin ng buwan na laging nagbabago. Habang lumilipas ang panahon nagbabago ang aking pananaw, ang aking anyo, ang aking pagsuong sa hamin ng buhay. Tulad ng buwan kaya ko ring magningning sa gitna ng dilim.