👤

Gawain sa pagkatuto bilang 5:
Panuto:Isulat ang mga napapansin mong pagkakaiba sa kapaligiran noon at ngayon.Itala ang sanhi ng pagbabago at solusyon upang hindi ito lumala.

Napansin sa kapaligiran:_________

Sanhi ng pagbabago:______

Solusyon upang hindi lumala:_____​


Sagot :

Answer:

Napansin ko sa kapaligiran noon ay ang napaka ganda parang paraiso. Kulay berde ang paligid..Napaka Linis sa paligid. Walang usok na galing sa iba't ibang saksakyan o mga factory. Lahat ng natural na ginawa ng Diyos ay nakikita natin noon. Nakakita pa tayo ng mga ilog na napakalinis ,ang mga karagatan ay napaka linis at abunda pa sa pagkaing dagat Napaka tahimik an kapaligiran noon. Napaka sariwa ng hangin at ang tubig ng ulan noon ay makakaligo pa tayo at makakainom.. lahat ng ating pagkain ay sariwang sariwa. Maraming nagsilakihang mga puno noon. Hindi tulad sa ating kapaligiran ngayon na wala na tayong makikita na kulay berde na kapaligiran. Wala na ang mga Yamang natural na binigay ng Diyos sa atin. Lahat lahat na meron noon ay wala na tayong makikita ngayon. Ang makikita na natin ay nagsilakihang mga buildings. Mga factories. Magulo na kapaligiran, maingay at puros usok ng saksakyan at sa iba't ibang factories .Nagkalat ang mga basura sa ilog at dagat. kulay itim na ang mga ilog dahil sa mga dumi ng basura at mga tagos ng langis. Ang ulan ay hindi na nakabubuti sa katawan dahil marumi na ito.Ang mga kabundukan ngayon ay sirang sira na.Lahat na ginawa ng Diyos ay sinira ng tao.

. Sanhi ng pagbabago ay ang mabilis na pagdami ng populasyon. At dahil dito kaya napaka daming iba't ibang teknolohiya sa mundo na syang dahilan ng lahat na pagbabago sa ating kapaligiran. Sa teknolohiya ay madaling gawin lahat sa tao kng ano ano ang kanyang gagawin gamit ng mga teknolohiya. Mabilis umusbong ang pag unlad ng bansa dahil dito .Ngunit kung gaano kabilis ang pag unlad ganon din kabilis ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa dahil hindi mabuti ang ginagawa ng tao sa pagsira ng Inang kalikasan. Atin ng dinanas ang lahat ng hirap ngayon dahil sa kagagawan ng mga taong sakim at walang ibang iniisip kundi ang sarili nila. Wala silang pakialam sa mangyayari sa kasalukuyang panahon lalo na sa mga kabataan tulad natin ngayon.

Solusyon upang hindi lumala: Kailangan ang pagtutulungan sa bawat isa ,dahil kung walang pagtutulungan ay talagang hindi na natin maibalik ang noon. Walang ibang susi kundi ang pagtutulungan,Pagkakaisa sa pagsulong tungo sa pagbabago ng ating kapaligiran. Alisin sana natin sa ating isipan ang pagka makasarili alang alang sa pagpapabuti ng ating kapaligiran ng sa ganon ay matikman rin natin kung ano ang kapaligiran noon .At sa tulong ng bawat isa sa atin ay maibalik natin ang kagandahan at kasaganaan ng ating kapaligiran.