a Pag-aralan ang patalastas sa ibaba. Tinatawagan ang lahat ng mag-aaral na Baitang 4 hanggang 6 na lumahok sa Timpalak sa Talumpati. Ito ay gaganapin sa Estefania Elementary School Covered Court sa darating na Biyernes, Disyembre 11, 2020 sa ganap na ika-2 ng hapon. Ang mga lalahok ay maaaring magsuot ng Filipiniana at dumating 15 minuto bago ang takdang oras. Pagsusuri: Malinaw ba ang pagkakasulat ng patalastas? b. Napaloob ba ang mga mahahalagang impormasyon sa patalastas? c. Nasunod ba ang mga tuntunin sa paggawa ng patalastas?