👤

Responsibilidad ba ng mabuting mamamayan Ang pagpapabuti sa sarili?​

Sagot :

Answer:

Opo

Explanation:

Dahil ang pagpapabuti sa sarili ay mahalaga...

1. MAAGAP NA PAGBAYAD NG BUWIS Ang buwis ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian sa bansa. Ang buwis ay perang panggugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan.

3. 2. PAGTULONG SA MGA NANGANAGAILANGAN Tungkulin ng bawat mamamayan na tumulong sa kapwa na nangangailangan ng tulong sa abot ng kanyang kakayahan. Ito ay tungkuling panlipunan at pansibiko

4. 3. PAGGALANG SA KARAPATAN NG IBA Di dapat abusuhin an gating sarilig karapatan at kalayaan. Igalang din ang karapatan at kalayaan ng ibang tao.

5. 4. MAAYOS NA PAGGAMIT NG MGA ARI-ARIANG PAMPUBLIKO Tayo ay may tungkulin gamitin ng maayos at pangangalagaan ang mga gamit pampubliko tulad ng paaralan, parke o liwasan, at iba pa upang may maggamit din ang mga mamamayan sa hinaharap.

6. 5. MATAPAT NA PAGLILINGKOD NG MGA MANGGAGAWANG PAMPUBLIKO AT PAMPRIBADO Ang tungkuling ito ay maipakita sa pamamagitan ng mga sumusunod: *Pagpasok sa takdang oras *Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa paggawa *Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabubuting Gawain

7. 6. MAKATARUNGANG PAGGAMIT NG KARAPATAN  Ang paghahanapbuhay na nakakapinsala sa iba ay dapat ilipat sa pook na walang mapipinsala o itigil kung kinakailangan. Hindi natin pweding tirhan o ariin ang pag- aari ng iba ng walang pahintulot ang may- ari o pamahalaan. Hindi natin pweding plitin ang iba na sumanib sa isang relihiyon. Ito ay kalayaan niya ayon sa kanyang paniniwala.

8. 7. PANGANGALAGA SA KALIKASAN  May tungkulin ang isang tao na pangangalagaan ang kalikasan dahil ito ay pinagkukunan ng kabuhayan ng marami.  Halimbawa: Ang pagtatanim ng puno at pangangalaga sa iba pang likas na yaman ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapaligiran, isa sa mga tungkulin ng mga mamamayan.

9. 8. PAGGALANG SA BATAS  Tungkulin nating igalang ang batas at ang may kapangyarihan. Kung wala ang mga alagad ng batas, maaring mawala ang kapanatagan ng kapayaapaan ng pamayanan. Tungkulin nating tulungan sila sa pagsasakatuparan ng batas. Tungkulin din nating ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga pulis at iba pang lingkod-bayan na naliligaw ng landas.

10. 9. PAGPAPAUNLAD SA SARILI Tungkulin nating mapaunlad ang ating sarili upang maging kapaki-pakinabang sa bansa. Dapat tayong maging yaman ng bansa kaya’t kailangang mag-aral ng mabuti, kumain ng sapat, at magpahinga sa takdang oras. Ibahagi natin sa iba an gating mga kaalaman, kasanayan, at talino.

11. 10. MATAPAT AT MATALINONG PAGBOTO Sa panahon ng halalan, gamitin natin an gating karapatan sa pagboto. Tungkulin natin na mailagay sa posisyon ang mga taong karapat-dapat upang umunlad an gating pamahalaan at bansa.