GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2 Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA sa patlang kung tama ang pahayag at MALI kung mali ang pahayag 1. Lubhang napinsala ang Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. _2. Ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas pagkatapos na pagtibayin ang Philippine Rehabilitation Act. 3. Ang pagkahilig sa mga kagamitan at produktong banyaga ay nakatulong sa kita ng pamahalaan. 4. Sa Parity Rights, nabigyan ng karapatan ang mga Amerikano na mangasiwa ng mga likas na yaman sa Pilipinas. 5. Naging patas sa pagitan ng Pilipinas at Amerikano ang malayang kalakalan.