Written Works #1 - Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972. Suriing mabuti ang bawat pahayag o kaisipan. Isulat sa patlang kung ito ay TAMA O MALI. 1. Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang ekonomiya at kabuhayan ng bansa ay lubos na naapektuhan. 2. Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Manuel Roxas, dinanas ng Pilipinas ang matinding hagupit ng digmaan 3. Ang kakulangan sa supply ng pagkain ay isa sa mga suliraning kinaharap ng Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4. Sapat ang pondo o salapi ng gobyerno ng PIlipinas kaya't hindi na kinailangang isulong ang programang makapagpapalago sa ekonimiya. 5. Isa sa mga isyung kinaharap ng bansa ay ang kolaborasyon o pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kaaway o kalaban ng bansa. 6. Upang magakaroon ng bagong buhay ang Pilipinas, inuna ni Pang. Roxas ang rekonstruksyon upang muling maisaayos ang mga pasilidad at imprastraktura nito. 7. Tumaas ang moral at pag-asa ng mga mamamayang Pilipino dahil sa namatay nilang mahal sa buhay o nawalang kabuhayan dahil sa digmaan. 8. Ang Pilipinas ay hindi sumali sa Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa o United Nations dahil marami itong suliraning kinakaharap. 9. Isa sa mga hamong kinaharap ng ating bansa noon ay ang pagkakaroon ng di-pantay na kasunduan at naging pagsandal sa Amerika. 10. Ang kalagayang pangseguridad ay lumala rin dahil sa paglakas ng pwersa ng Hukbong Mapaglaya ng Pilipinas (HMB) at Partido Komunista ng Pilipinas (PKP).