✿Awiting Panudyo✿
Uri ng akdang Patula na kadalasan ang layunin ay manbalik, manukso o manguyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawa na Pagbibirong Patula.
Halimbawa:
Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinusnos ang gugo
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo
Tutubi, tutubi
Wag kang pahuli
Sa batang mapanghi
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka't nasa pugad
✿Palaisipan✿
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nakakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang na ang mga sinaunang pilipino ay sanay mag isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap parin hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito'y talaga naming nakakapagpataas sa isipan ng mga mag aaral. Ito ay hindi na lamang pinag uusapan at pinag iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa usapan sa internet.
Halimbawa:
Kong ang gumagapang sa aso ay pulgas
Sa damo ay ahas
Sa ulo ng tao ay kuto
Ano naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot:Plantsa
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng
sombrero. Paano natural ang bola nang
di naman lamang nagalaw ang sombrero?
Sagot:Butas ang tiktok ng sombrero
Explanation:
❀ฺᏠᎬᏕᏕᎨᏨᎯᎿᎯᏰᎯᏁᎨᎯᎶ❀ฺ
Ꭸ ᎻᎾᏢᎬ ᎨᎿ ᎻᎬᏝᏢᏕ ᎷᎽ ᎯᏁᏕᏯᎬᏒ
ᏨᎯᏒᏒᎽ ᎾᏁ ᏝᎬᎯᏒᏁᎨᏁᎶ