Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na naglalarawan ng kilos sa bawat pangungusap 1. Madalas magbakasyon ang aming pamilya sa Palawan 2. Napakahusay lumangoy ni Gina 3. Masigasig din siyang mag-aral gabi-gabi 4. Masayang ikinuwento ni Ana ang kanyang mga naging karanasan 5. Tahimik naman akong nakinig sa kanyang mga kwento.
II. Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at salungguhitan ang mga pang-abay. 1. Si Lito ay maagang gumising 2. Siya ay naligo at nagbihis nang maayos 3. Mabilis siyang kumain ng kanyang almusal 4. Nagmamadali siya sa paglakad dahil baka mahuli siya sa klase 5. Palagi siyang nangunguna sa klase dahil masipag siyang mag-aral.