👤

anong kahulugan ang maibibigay mo para sa tekstong impormatibo

Sagot :

Tinatawag na tekstong impormatib ang mga babasahin at akdang nagbibigay ng impormasyon, kaalaman, at paliwanag tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Karaniwang sinasagot nito ang tanong na ‘ano,’ ‘sino,’ at kung minsan ay ‘paano.’ Pawang impormasyon at katotohanan lamang ang taglay ng tekstong impormatibo at hindi naglalaman ng anumang opinyon o saloobin.