👤

ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring karaniwan o malikhain

Sagot :

Answer:

Tekstong Deskriptibo Prepared by: Marlon C. Orienza “kahit hindi ka pintor ay makabubuo ka ng isang larawan gamit ang mga salitang titimo sa damdamin at isipan”

2. Layunin: • Natutukoy ang paksang tinalakay sa ibat ibang teksong binasa • Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng ibat ibang uri ng tekstong binasa • Nababahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto • Nakasusulat ng ilang halimabawa ng iba’t ibang uri ng teksto • Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto • Nakukuha ng angkop na datus upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat • Naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya,kominidad, bansa, at daigdig • Naipaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa

3. Tekstong deskriptibo •Ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iguhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan. Subalit, sa halip na pintura o pangkulay, mga salita ang ginagamit ng manunulat upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

4. Tekstong deskriptibo •Mga panguri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais niyang mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa

Explanation:

Answer:

ang pagsulat mg paglalarawan ay maaaring karaniwan base sa kanyang kakayahan ngunit maaari ding sa pagiging malikhain na nakadepende sa kanyang sipag at tiyaga.