Aktibidad: Alternative Response Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang pahayag kung ito ay tama at ekis(x) kung ito ay mali. 1. Mahalaga ang modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya sapagkat ipinapakita nito kung papaano gumagana ang isang ekonomiya . 2. Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng poduksiyon sa isang takdang panahon. 3. Ang layunin ng sambahayan ay ang lumikha ng mga produkto. Kilala ang pamilihan ng mga tapos na produkto bilang goods market o commodity market. 5. Ang paikot na daloy sa pangalawang modelo ay nasa ekwilibriyo. Dahil ito ay paikot, kung ano ang dumadaloy palabas sa bawat sector ay siya ring dadaloy papasok. 6. Ang export ay ang pag-aangkat at ang import ay pagluluwas ng mga produkto at serbisyo. 7. Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan para sa hinaharap. 8. Public Interview ang tawag sa kita mula sa buwis.