👤

ano ang pagpapahalaga​

Sagot :

Answer:

Ang pagpapahalaga o values ay nagdidikta at ginagamit na basehan sa paggawa ng mga pasya at desisyon sa buhay na nagmumula sa labas ng tao. Ito ang naghuhusga at nagdidikta sa tao ng tama at mali.  

Mahalagang magkakaroon ang isang tao ng magandang values o magandang pag-uugali at kaugalian sapagkat ito ang makakapagpabuti sa pagkatao ng bawat isa.

Explanation:

Magandang gabi sayo

Answer:

Answer:

Kahulugan ng Pagpapahalaga

Ang pagpapahalaga o values ay nagdidikta at ginagamit na basehan sa paggawa ng mga pasya at desisyon sa buhay na nagmumula sa labas ng tao. Ito ang naghuhusga at nagdidikta sa tao ng tama at mali.

Mahalagang magkakaroon ang isang tao ng magandang values o magandang pag-uugali at kaugalian sapagkat ito ang makakapagpabuti sa pagkatao ng bawat isa.

Dalawang Uri ng Pagpapahalaga

1. Pagpapahalagang Moral (Moral Values)

Ito ay pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga na matibay na nagbibigay ng importansya sa buhay ng isang tao.

2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Values)

Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao.

Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.

Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin

Kahalagahan ng Pagpapahalaga

Ang pagkakaroon ng moral values ay nagagamit natin sa pag-ibig, ang pagkakaroon ng pag-ibig sa kapwa, paggalang at pagmamalasakit.

Nagkakaroon ng paggalang sa dignidad ng tao.

Pagmamahal sa katotohanan at naglalayo sa anumang kasamaaan.

Nagkakaroon ng katarungan t kapayapaan ng kalooban.

Paggalang sa anumang pag-aari

Napagbubuklod ang pamilya

Nagkakaoon ng paggalang sa buhay

Nagkakaroon ng kalayaan

Nangingibabaw ang pagiging makadiyos

Nagiging makatao

Nangingibabaw ang paggawa ng kabutihan sa kapwa

Nahuhubog ang mabubuti at magandang kaugalian

Nahuhulma ang buong pagkatao